Higit isang oras lamang ang biyahi mula Manila patungo Cagayan de Oro kung ako ay sasakay ng eroplano pauwi. Ngunit minsan mas gugustuhin kung sumakay ng barko hindi dahil mahal ko ang karagatan, ngunit dahil sa isang kwentong naihabi at nagmulat sa aking kamalayan. Ang kwento ng mga Badjao sa Puerto ng Cebu.
Madaling araw yun nung dumaung ang barko na aming sinasakyan mula Manila sa pantalan ng Cebu. Kasabay ng pagsikat ng araw at paunti-unti pagsasampa ng barko sa daungan, makikita mo ang maganda at maunlad na bayan na ito. Malinis at hindi kasing- gulo ng pantalan sa Manila.
Ngunit ang nakatawag pansin sa akin ay ang grupo ng mga Badjao na sumasalubong sa amin. Sakay sa kanilang mga bangka, kumakaway at sumisigaw sila sa salitang hindi ko naintindihan. May lalaki, babae, binatilyo, dalagita at ang nakakagulat may isang sanggol na walang saplot nakahiga sa ibabaw ng bangka. Maraming mga pasahiro dumungaw at ang iba sa kanila ng simulang maghagis ng barya. Nakakamangha ang kanilang galing sa pag-langguy at pagsisiid, tinataas nila ang baryang nakukuha sa tuwing sila ay lulutang marahil bilang tanda ng kanilang pagpapasalamat.
Ngunit ang nakatawag pansin sa akin ay ang grupo ng mga Badjao na sumasalubong sa amin. Sakay sa kanilang mga bangka, kumakaway at sumisigaw sila sa salitang hindi ko naintindihan. May lalaki, babae, binatilyo, dalagita at ang nakakagulat may isang sanggol na walang saplot nakahiga sa ibabaw ng bangka. Maraming mga pasahiro dumungaw at ang iba sa kanila ng simulang maghagis ng barya. Nakakamangha ang kanilang galing sa pag-langguy at pagsisiid, tinataas nila ang baryang nakukuha sa tuwing sila ay lulutang marahil bilang tanda ng kanilang pagpapasalamat.
Hindi lang isang tribu, magulang, anak o magkakaibigan ang aking nakikita sa oras na iyon ngunit mas higit kung nakita ang isang kumunidad. Isang kumunidad na nakalimutan na ng panahon. Isang kumunidad na sumasabay sa bawat hampas ng alon, isang kumunidad na nabubuhay sa pakipag sapalaran. Maaring sabihin ng iba ito ay isang uri ng panglilimos, larawan ng katamaran at kamang-mangan, ngunit sa bansang demokrasya at mahirap tulad sa atin, sadyang napaka hirap mag husga dahil ang pinakahantungan sa lahat ay kung paano mo tugunan ang kalam ng sikmura.
Maaring sabihin natin na mas lamang tayo sa kanila. May trabaho. Nakag-aral. Nakakakain. Nakatira sa sa desinting bahay at higit sa lahat natatamasa natin ang simpling kaginhawa-an sa buhay. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng mga taong naghahangis ng barya sa kanila. Maaring naawa. Maaring naaliw, o kaya nagyayabang lamang. Ngayon, baliktarin natin ang kabilang mukha ng barya. Hindi sila nag-aalala na maputulan ng tubig o kurente. Hindi sila nagpapakahirap mag-ipon para lang makabili ng mamahaling sapatos. Hindi sila pumupunta sa gym para magpapayat, at higit sa lahat hindi sila dumadalaw sa kanilang doctor para masubaybayan ng tama kanilang ang blood pressure at sugar level.
Ang init ng araw at lamig ng gabi ay nagtuturo sa kanila na maging matatag at matapang. Ang kulay ng kanilang mga balat at buhok, ay, para sa iba ay mababaw na batayan upang sila ay tingnan at tratohin na iba, at ang masakit, itangi na sila ay kabilang sa lipunan na ating ginagalawan.
Maaring sa maraming kadahilanan pilit nating inilayo ang ating mga sarili sa kanila. Sa pisikal at estado ng buhay sila ay naiiba para sa marami. Ngunit ang totoo lahat tayo ay parihang nakipagsapalaran sa malawak na karagatan ng buhay. Lumalangoy, sumisisid at pumapaibabaw sa mga alon para lang mabuhay. Katulad nila ang ating buhay ay puro walang ka siguraduhan, mapanganib at nakakatakot.
Tumingin ako sa silangan at unti-unti ng sumabog ang liwanag na siyang lalong naglalantad ng totoong kalagayan at kwento ng ating mga kapatid na Badjao. Nakakapanglulumo. Sa mga oras na iyon, hindi ako umuyuko para maghulog ng barya, kundi ako ay tumingala sa langit sabay usal ng maikling panangalin na sana balang araw ang mga taong ito ay mahango mula sa karagatan ng kamangmanggan at kahirapan.
Dumukot ako ang barya sa aking bulsa. Inihagis ko ito pataas at sinalo. Ginawa ko ito sa maraming bisis. Sa bawat bagsak nito sa aking palad ibat-ibang mukha ng barya ang pumapaibabaw. Tulad ng larung kara krus ang buhay ay may dalawang mukha, hindi mo alam kung ano ang sunod ng mangyayari at kung ikaw ay nakataya sa maling mukha …ikaw ay talo.
Ngunit sa kabila ng lahat na ito tayo ang maging panatag kahit tayo ay inihagis pataas pababa tulad ng isang barya inihulog sa dagat kung alam natin kung kaninong kamay ang sumasalo sa atin. Ang kamay ng Diyos na bibigay sa ating ng lakas hindi man tiyak ang kinabukasan ngunit tiyak natin kung sino ang may hawak nito. Sa karagatan ng buhay na puno ng alon ng problima at pagsubok na maaring lumunod sa atin, isang magandang aral ang dulot sa atin ng mga Badjao. Ang tumingala, kumaway at tumititig sa itaas dahil para sa kanila nagmumula sa itaas ang biyaya at pagpapala. Hinawakan ko ulit ang barya at nakangiting inihangis pataas at sinalo. Sa pagkakataong ito hindi ko na tinitingnan kung anong mukha ang pumapaibabaw. Bumalik ako sa aking cabin at doon pinagpatuloy ko ang paglalaro ng kara krus sa aking palad, ang laro ng dalawang mukha ng buhay.