Friday, June 12, 2009

Kalayaan!


Sa araw na ito, gunigunita natin ang ating kalayaan mula sa pananakop ng mga dayuhan. Ilang taon na ang nakalipas, ngayon babalikan natin ang pahina ng ating kasaysayan. Talagang bang tuluyan na tayong malaya? o hanggang ngayon tayo ay nakakulong parin sa isang hawla na tayo na mismo ang may gawa. Totoo wala na tayo sa poder ng mapag- aping kastila, ngunit araw-araw tayo ay para na ring inaapi ng mga manhid na namumuno na walang ibang iniisip kundi ang kanilang sariling kapakanan imbis na ang kabutihan ng pangkalahatang pilipino. Totoo na dumami ang mahirap sa pilipinas, maraming nagugutum, maraming gumawa ng masamang bagay para lang may maisubo at mabuhay. Alam kung hindi makatotohanan na isisi lahat sa ating pamahalaan ang lahat na kapalaran ng bawat pilipino. Ngunit ang tanong ano ba ang ginagawa ng ating pamahalaan upang matulungan, magabayan at maiingat ang buhay ng bawat isa? Ang mayaman ay lalong yumayaman at ang mga mahirap ay lalong naghihirap.


Malaya na mga ba tayo? Ilan nating mga kababayan ang nagtatrabaho bilang katulong sa ibang bansa na ikinukulong ng mga salbahing dayuhan amo. Ang iba sa kanila, sinasaktan, ginagahasa, napagbibintangan at ang masakit namamatay na walang kalaban-laban. Akala ko ba na sa panahon lang ng kastila ang ganitong pangyayari? ngunit hanggang ngayon mayroon pa, nag-iba lang ng anyo, ngunit ang larawan ng pagiging alipin ay nandoon pa rin. Totoo na ang mga pilipino ay talagang magaling na manggawa sa buong mundo, ngunit hindi ito nakikita at napapahalagahan ng mga mapagsamantalang dayuhan.



karihapan, krimin, pag-baba ng moralidad at pagiging hayuk sa kapangyarihan ay mga rihas ng nagpapakulong sa atin. Sa tuwing itinataas ang ating watawat, na sana naging simbolo ng ating kalayaan ito'y nagwawagaway ng ating totoong katayuan sa buong mundo. Ilang taon pa ba ang ating gugunitain na puno ng pagkukunwari.


Ang ating pamahalaan ay na bansagan na "NATION OF SLAVE" isang masakit ngunit katotohan na dapat pumukaw sa ating mga namumuno.



Hanggang may mga Ina na umaalis patungo sa ibang bansa upang mag alaga ng ibang anak samantala ang sarili niyang anak ay kanyang iniwanan, hindi tayo matatawag na malaya. Hanggang patuloy ang pagdami ng walang trabaho hindi tayo totoo malaya. Hanggang dumadami ang nagugutum, hindi tayo totoong malaya. At hanggang patuloy tayong bubuto ng BUWAYA pulitiko hindi tayo maging malaya.



Ang kalayaan ay nasa ating kamay......



Huwag na tayong maging mangmang........



Sana natutu na tayo sa lahat na mga bagay nakasulat sa bawat masakit at mapaiit na pahina ng ating pagiging alipin sa sariling bayan.

3 comments:

  1. Sino ba ang propetang composer na sumulat nito?

    "Na sinisiphayo ng kanilang (o pwede ring kaniyang or sariling) kulay"

    Yan ba ang bayan natin?

    Ang bayan natin ay hindi ganyan sa kapanahonan ni Magsaysay.

    Politics? Yes! Both internal and external.

    Ang tanong mo, ay tanong ko rin, at tanong ng karamihan na namulat na ang mga mata. Dahil kulang sa lakas at walang lakas dahil ang batas ay para lang duon sa mga mambabatas kuno, at wala tayong karapatan sa mismo sarili nating bayan, eh di hanggang sa Noli Me Tangere lang tayo. Patagong nag hihimutok. Ngunit lantad sa madla. Alam ng tagaibayong dagat ang kalagayan natin. May magagawa ba sila?

    At saka, karamihan sa atin nakikigaya na rin sa politika. Corrupt sa mismo sarili nating pamumuhay. Sanay na ang mga tao sa paraang "Matira ang matibay." Nawala na ang Mabuhay!

    Hopeless? God knows!

    ReplyDelete
  2. napakandang opiniyon sa ating kalayaan at sa ating bansa.
    sana magtuloy-tuloy parin ang mga taong mabubuti at hindi na gumagawa ng masama sa kanilang kapwa tao...

    ReplyDelete
  3. reyhjulp07986urtygfdfghjkj[o9ip8oi7u6ryt4wr3eerdtyuiopiugkyjhrgdfsefrtyuiop;lkjhgfdsadfghjkl

    ReplyDelete