Monday, June 22, 2009
Magkano ang iyong dangal?
Sa mundong ating ginagalawan, umiinog tayo na hindi nag-iisa. Kasama sa ating pag galaw ay kung paano natin na isapuso ang moralidad at napapahalagahan ang ating halaga bilang isang taong likha ng DIYOS. Burahin natin saglit sa ating isipan na ang bawat isa ay labis na mahalaga. Kunwari ang salitang moralidad at dignidad ay hindi na imbinto ng tao. Kunware lahat ay maaring tumbasan ng halaga. Kung ganun ang kalakaran ng mundo, sa palagay mo MAGKANO KA? alam ko mahirap itong sagutin...ngunit ang sagot mung ito ay makakatulong upang mas lalo mung makikilala ang iyong sarili at higit sa lahat ang silbi ng iyong pagkalikha.
Labels:
Nagpapaliwag lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Alam mo napakaganda ng layunin mo sa isinulat mong ito. Ipinamulat mo sa madla at ipina-alaala mo sa karamihan kasama na ako ang kahalagahan ng ating Pagkatao.
ReplyDeleteKung salapi ang katumbas ng pagkatao ko, ikinalulungkot kong sabihin na isang Payak o isang Simpleng Karangalan lang ang aking halaga.
Kalilimutan na natin ang halaga ng pera dahil ang tao ay ipinanganak sa Pag-ibig ng Panginoon at kailanman hindi niya tayo binigyan ng Price Tag.
Si Hudas lang ang nagbigay halaga sa pagkatao ni Jesus ng siya'y bininta sa mga Romano sa halagang 30 perasong Pilak.
Kahit pa mandin sa modernong buhay na kinagagalawan natin, mayroon akong narinig na nagsabi "I will not settle for Less." Malalim din ano?
Ewan ko lang.
napakaganda ng iyong pagkasabi.Totoo at walang halong pagkukunwari. Alam kung napaisip ka rin, tulad ko ikaw ay may mga tanong na hanggang ngayon naghihintay na masagot. Ngunit minsan ang pinakamahirap na tanong sa buhay ay nasasagot sa mga simple at ordinaryong pangyayari at ang nakakamangha pa itoy nasasagot ng mga inakala nating mga mangmang. Salamat sa kaisipan na iyong na ibahagi sa akin.
ReplyDelete