Saturday, July 4, 2009

Wag kang maki-alam kung wala kang alam..!


Likas na yata sa pinoy ang pagiging tsimoso at mahilig maki- alam sa buhay ng may buhay. Sa nag daang araw pinagkaguluhan hindi lamang sa bangkita na nagtitinda ng piniratang DVD sa eskandalong kinasangkutan ng mga kilalang personalidad na si Hydeen at Katrina, ngunit gumawa ito ng eksina sa maging sa Senado.



Ang isang bagay na gawa ng mga taong nasa tamang edad ay sagutin na iyon mismo sa taong gumawa nito. Tungkulin na niya ang pakaingatan , alaga-an at harapin ang mga bagay na kanyang ginawa tuwid man ito ay may kabaluktutan man. Ang mga taong kadalasan sangkot sa ganitong eskandalo ay mga taong nasa tamang edad na, kaya marapat na sila ay umakto ayon sa kanilang edad.



Ang hindi ko lang maiintihan kung bakit maging ang Senado nag-abala ba upang itoy halungkatin, at ang matindi pa ginagawa sa harapan ng mga camera upang kunware malaman ng buong bayan ang katotohanan. Ang isang bagay na ginawa ng dalawang tao sa isang sekritong lugar, ay ilantad mo sa publiko alang-alang sa sinasabing katotohanan??? Ang isang bagay na nag-uugat sa isang makasarili at maka mundong pagnanasa ng dalawang tao ay dalhin mo sa senado upang mas lalong kaladkarin ang mga taong may kaugnayan nito? Ganito na ba ka PAKI -ALAMIRO ang ating bansa?



Ang isyu ba ng eskadalong ito ay mahalaga pa kay sa isyu ng kawalan ng trabaho, malnutrisyon, digmaan sa Mindanao, basura at kurapsiyon sa pamahalaan. Si Katrina at Hydeen ay may mga trabaho, nakakain at nalalasap ang sarap ng buhay kumpara sa mga batang kalye na naghihintay lamang ng may mapupulot na pagkain sa kung saan-saan.



Kung makiki-alam man tayo, sana maki alam tayo sa totoong bagay na makabuluhan at may maiidulot nakabutihan sa karamihang pilipino. Walang eskadalo kung lahat ay maging maiingat at responsable sa bawat niyang galaw at kilos. Matatakot ang mga taong magkalat ng eskandalo kung ang bansang ito ay may batas na ukol dito. Ngunit ang tanong mayron ba??? yun ang dapat unahin ng mga pumapapel at paki alamirong mga pulitiko.



Hayaan mo ang mga taong gumagawa ng eskandalo na mamatay na baon ang hiya. Iyan ang kabayaran sa kanilang kabulastugan.

4 comments:

  1. Nabura na sa siguro sa aklat ng mga Mambabatas yong katagang "Libel" kaya sila na mismo nagiging lawless na rin. Lawless dahil sila mismo ang sumira sa batas nila.

    Pero 'wag kang mag-alala. Kahit dito sa Australia ganoon din ang mga mambabatas dahil sa Debating Privilege nila bilang mga Parliamentarians. Ang mas masahol dahil ang Prime Minister mismo ang nililibak ng Opposition. So ang kaso diyan sa kanilang pakikia-alam sa sekretong buhay ng may buhay ay upang maka-iwas sa mga dapat nilang bigyan ng priority. Ayaw nilang saklawin ang totoong miserableng buhay ng bayan kaya hanap sila ng malulusutan halimbawa ang issue ng walang kamatayang Immoral Corruption mismo nila. Ayan, wala akong hinihilang pangalan ha?

    Kung manonood ka sa British Parliamentarians grabe din sila. Sa ibang bansa nagsusuntukan pa, naghagisan pa nga ng bangko. Hahaha, Yan, may mga edad yan ha?

    Sang-ayon na sang-ayon ako sa mga sinasabi mo dito. Yan ang isa sa mga "frustrations" ng bawat mamamayan que Pilipinas que America que Australia.

    Keep up with your good objectives.

    ReplyDelete
  2. Ang dami kung natutunan sa iyo. Sana dumami pa ang lahi mo. Kahit nasa ibang bansa kana, makikita parin sa iyo ang pagiging pilipino sa pamamagitan ng iyong pagbibigay kuru-kuro tungkol sa mga bagay na nangyayari dito sa pinas. Salamat na may isang katulad mo na papakinggan ang bulong ng aking puso, dahil ang bulong ng puso ko, bulong din ng karamihang pilipino.

    ReplyDelete
  3. "Vox populi vox dei. Ang tinig ng tao ay tinig ng Dios."

    Hindi mo mapaparam ang tunay mong pagkatao kahit saan ka mang lupalop dumapo, nakadapo at dadapo.

    Ang pagkatao mo ay salamin ng pinanggalingan mo. Salamat naman at may impact pala ang simpleng reaction ko dito sa blog mo. Isa kang matalinong bata.

    You're making a big DIFFERENCE to the world.

    ReplyDelete
  4. Noon pa marami na nagsasabi na kakaiba ako sa aking mga ka edad. Mas gusto ko ang katotohanan kwento Kay sa manuod ng palabas na puno ng pantasya at kathang isip lamang. Gusto ko mapakinggan lahat na sasabihin ng iba. Gusto ko lahat maipaliwag at kahit papano susukuhan ipaliwag.

    Hindi kita lubos na kilala ngunit naramdaman ko ang "echo" at iyong kaalaman na umaalingawngaw sa aking puso't isipan. SALAMAT PO!

    ReplyDelete