Monday, May 25, 2009

Lahat mahalaga


Araw-araw may bagong karanasan, may bagong bagay na natutuklasan, may mga bagong mukha ang nakikita at bagong kaibigan ang natatagpuan.


Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa kanyang paglubog, ang bawat minuto ay sadyang napakahalaga. Mahalaga, dahil ang lahat na bagay sa mundong ito, ay kung may simula mayroon ding katapusan. Sadyang napakamakapangyarihan ang bawat segundo. Hindi mo ito kayang tigilin o kaya habulin ngunit maari mo itong sabayan, sabayan sa kanyang pag-inog hanggang ihatid ka sa daku na nais mong puntahan.


Ikaw, anong bagay ang nais mong makamit? Anong lugar ang gusto mong mapuntahan? Sinong tao ang nais mo makita at makausap? May mga bagay ka bang nais gawin o kabutihan na nais ipadama, gawin mo na ngayon at wag ng ipabukas sa pangkat ang lumipas na oras ay hindi mo na kayang ibalik. Matuto tayong magpahalaga sa mga bagay na ibinigay sa atin ng Diyos.


Ang iyong mga kapatid, kaylan mo sila huling nakita, nakausap at nakalaro? Hindi lahat nabibiyaan ng mga kapatid, sila ay ating kawangis, kaya dapat nating pahalagahan sa pagkat ang pintig ng kanilang puso ay pintig din ng sariling mong puso.


Ang iyong mga magulang, kaylan mo huling napangkingan ang kanilang parangal at payo. Kaylan mo huling na isama sila sa iyong mga pangarap at panalangin? nasasabi mo na ba sa kanila na mahal mo sila? o hindi kaya habang tumatanda ka at natutung tumayo sa sarili mo mga paa, unti-unti mo rin silang nakakalimutan. Sila ang simula ng ating buhay, daluyan ng pagpapala mula sa itaas kaya dapat sila ay pahalagahan habang sila ay nandidiyan pa. Sa takip silim ng kanilang buhay isang dakilang gawain ng isang anak ang pahalagahan at mahalin ang kanilang mga magulang. Pangalawa sunod sa Diyos, Mahalin at galangin mo ang iyong nga magulang.


Sa mga taong minahal mo at nagmahal sa iyo, buksan mo ang iyong puso, damhin ang pag-ibig na pag-ibig lang mismo ang maaring makapagpapaliwanag sa mga bagay na nagagawa niya sa buhay ng tao. Pahalagahan ang bawat pangako at pakaingatan ng husto ang pagtitiwala, dahil kapag ito ay nawasak sinayang mo ang isang mahalagang pagkakataon upang ipakita ang kadalisayan ng iyong puso.Banal ang pag-ibig at hindi to nakipaglaro ng damdamin dahil sa pakipaglaro ng damdamin ay isang pagsasayang ng mahalagang segundo ng buhay upang makagawa ng tuwid sa paningin ng DIYOS.


Ang iyong kaibigan, napansin mo ba ang kanilang halaga? Hindi sila mga kasama lamang, sila ay kaibigan na ibinigay ng Diyos kaya dapat sila ay pahalagahan. Nasasabi mo na ba sa kanila ang "Salamat sa pagiging kaibigan". Nasusubukan mo na bang magparaya para sa kanila? Ilang beses mo na bang inunawa ang kanilang mga damdamin? Ikaw ba ang kaibigan na lumalapit para may makuha o kaibigan na lumalapit upang may maibigay? Hanggang saan o kaylan mo pagkaingatan ang isang pagkakaibigan na hinabi mula sa misteryo at kapangyarihan ng Diyos.


Ang sikat ng araw? Ang halakhak at iyak ng mga bata? Ang huni ng mga ibon at ang lamig ng simoy ng hangin? Kaylan mo ito napansin ng napahalagahan?


Ang taong katabi mo sa sasakyan?Ang babaeng naglalako ng gulay? o ang magsasaka na nag aararo sa bukid? nakita mo ba ang kanilang halaga?


Pumikit ka saglit. Huminga ka ng malamin.


Yung tinatayuan mong sahig o inuupuang silya ano ang halaga sa iyo?


Minsan ang simpling bagay sa mundo ay siyang makapangyarihan. Totoo na ang mundo ay sadyang napakalawak at halo-halo ang kung ano ang mayroon dito. Dahil ang buhay ay iisa lamang dapat malalaman natin kung ano talaga ang gusto natin at kung ano ang kailangan natin. Hindi lahat na gusto natin, kailangan natin. Matutu tayong mapahalagahan ang mga bagay na karugtong sa ating buhay.Gawin na natin ang mga bagay na hindi pa natin nagawa dati na sa isip natin ay dapat ng gawin ngayon.


Tingnan mo kung ano ang iyong pagkukulang sa iyong mga kapatid, magulang, mga minahal, kaibigan, sa iyong sarili at higit sa lahat sa Diyos. Gawin mo na ngayon at huwag mo ng ipabukas dahil ikaw tulad ko dadaan lang sa mundong ito, kaya mag-iiwan ka ng magandang bakas na mananatili sa bawat puso panahon man ay lumipas.


No comments:

Post a Comment