Saturday, May 23, 2009

Pahiram nga!


Pag ikaw nagmahal, huwag mong sabihin ang salitang "akin ka lang" dahil walang sinuman sa mundong ito ang nagmamay-ari sa anumang bagay.

Ang mga magulang ay hindi nagmamay-ari sa kanilang mga anak.
Ang asawa mo o kasintahan pa man, hindi mo sila pagmamaya-ari. Hindi ibig sabihin na sila ay nakinig at sumunod sa iyong sinasabi at pinapagawa, sila ay iyong-iyo na. Sila, katulad mo ay nilalang na may sarili ding landas na tinatahak.

Ang tungkulin ng totoong pagmamahal ay umaakay at hindi nanakal.
Nagbibigay kalayaan at hindi nanakop.
Nakikipag-ugnayan at hindi makasarili.
umuunawa sa halip na manghusga.

Maaring tama ang sabihin na "isinilang ka para sa akin", ngunit mas higit na banal at tuwid ang katotohanan na tayong lahat ay naririto para parangalan ang dakilang lumikha.
Walang sinuman dapat magmayabang sa nakamtang mga bagay na hiram lamang, dahil maari itong bawiin sa totoong nagmamay-ari sa panahon na hindi mo inaasahan.


2 comments:

  1. Ang pangingisip mo ay sadyang napakalalim ngunit madaling intindihin. Sang-ayon ako sa pilosopiya mo. Tama ka na ang anak ay hindi pag-mamay-ari ng mga magulang dahil ang magulang ay mga instrumento lang sa tinatawag na Pro-creation. At ang papel na ginagampanan nila ay bilang mga Pastol na sumusubay-bay sa paglaki ng mga anak. Good point!

    ReplyDelete
  2. Na aalala ko nung na ibahagi ko ang kaisipang ito sa isang kaibigan na may problima sa kanyang relasyon. Para siyang na windang at nagulat sa aking mga sinasabi lalo ng nung sinabi ko na " Wag mung pilitin ang nobya mo sa gusto mo dahil you dont own her.." sagot niya " NO she is mine!" pero nung pinaliwanagan ko siya unti-unti niyang naunawaan ang lahat. Ang isang relasyon na walang DIYOS ay palpak...at masasaktan ka lang ng lubusan kung ito'y mawawala sa iyo...dba? dahil lahat........ay hiram lang!!!!!

    ReplyDelete