Wednesday, July 8, 2009

Ayoko nang mag-isa!

Ikubli mo ako

sa luklukan ng puso mo

ayaw ko ng lumayo

pagsamo ko ay dinggin mo.




Isama mo ako

sa dakung paruru-unan mo

ayoko nang mag-isa

at mawalay pa sa piling mo.





(Isang sulat na naging tula. Tula na naging kanta. Kanta na ako lang ay may -alam. Sa nakalipas na mahigit na 6 na taon, ito ay nakasulat sa isang gusot na papel at nakasiksik sa isang lumang aklat nakatago sa isang sulok ng aking silid. Isang maikli ngunit madamdaming pag lalahad ng aking damdamin sa Panginoon, na sa panahon na inakala ko na ako ay nag-iisa at iniwan na ng lahat na kaibigan na dati ay aking kapanalig at kasama, at sa panahon na akala ko, pati SIYA ay nakalimutan na ako....doon ko natuklasan na ako pala ang naligaw at lumayo at sa kanya. Sa isang madilim at liblib na lugar na aalala ko doon ko ito nahabi sa aking pusot isipan, isang tula at panalangin sa sana'y lagi kaming magkapiling.....habang buhay!)

2 comments:

  1. Nakaka-antig naman ang tulang ito. Sa buhay ng tao ay hindi nawawala yong maligaw ka kahit hindi pa sa physical na katagang ligaw. Maging sa figurative or metaphorical na pagkawala sa landas, nararanasan ng bawa't isa yan. No exception pati na yong mga namumuno sa simbahan. Ang importante ay yong pagkamulat mo sa sarili at ninanais mong kusang bumalik sa KANYA. Ang taos-pusong pagsisisi ay sapat na sa KANYA.

    Good boy ka yata. :)

    ReplyDelete
  2. Totoo ang inasabi mo. Minsan na akong naligaw ng landas. Tulad ng isang prodical son. Lumaki ako sa isang pamilyang kristiyano, dumadalo sa mga gawaing simbahan, Sunday School, Bible study dito bible study doon. Ang grasya ng Diyos ay umaapaw, ngunit ako ay nagexperminto, sumubok haggang sa isang araw ako ay baon at lulong na sa kasal-anan. Nahihiya na akong magsimba, mag-basa ng bible at hindi na ako nagdadasal, dahil pakiramdam ko kinikilabutan ako dahil sa aking kasal-anan. Hanggang isang linggo, pakiramdam ko gusto kung mag-simba, ngunit nahihiya ako. Nagbihis na ako, ngunit paikot-ikot lang ako sa aking kwarto. Ang gusto ko bago sa magsimba, mag-dasal muna ako ngunit parang ang hirap simulan. Ni lock ko yung room ng dorm ko. Iku ako ng ikot sa room, pinapawisan ako sa kakaikot hanggang sa umupo ako at sabay biglang kung nasabi ang katagang ito "LORD I MISS YOU" pagkasabi ko nun parang may something na nadurog sa puso ko....umiyak ako nang umiyak...parang may yumapos sa akin...paring naririg ko ang Diyos na nagsasabi sa akin "I MISS YOU TOO MY SON" hindi ko matandaan kung ilang oras akong umiyak hanggang nakatulog ako at nagising ng mga alas 3 ng hapon. Pagkagising ko ang gaan ng pakiramdam ko. Para bang isa akong bata na umiyak sa kanlungan ng isang Ama at punong pag-mamahal na hinihili-hili upang makatulog. Ngayon para sa aking ang kasama mo ang Diyos lagi ay wala kang kinakatakutan ngunit ang mawalay sa kanya ay hindi ko lubos maisip kung paano ko malampasan ang lahat na dadaan ko sa buhay.

    ReplyDelete