Huwag matakot mangarap at tumingala sa bituin,
sa pagkat sa pangarap ng simula at nabubuo ang lahat.
Doon malaya kang makagala maging sa kalawakan
upang iyong mahanap at mamasdan mula sa kataas-taasan
ang mga bagay na inaasam-asam.
Huwag matakot sumubok sa mga bagay na bago at hindi tiyak
dahil dito nasusubukan ang iyong tapang at likas na kakayahan.
Maging bukas at handa sa anumang pag-babago
upang matuklasan ang iyong kalakasan at maging kahinaan
upang sa ganun sarili ay lalong mapag-yaman.
Huwag matakot magmahal dahil yan ang bubuo ng iyong pagkatao.
Maging sa pagkakataon na hindi natutumbasan gaya ng iyong inaasahan,
magmahal ka ng lubos at huwag mangamba sa anumang kinalabasan
dahil ang busilak na puso ay may sapat na kakayahan upang ang lahat na hamon
ay mapagtagumpayan.
Huwag matakot magpamalas ng totoong naramdaman
dahil karapatan mo ang makinig at mapakinggan.
Ang pagpapamalas ng tunay na saloobin sa tamang paraan at panahon
Ay biyaya na galing sa Diyos mula ng ikaw ay isilang.
Huwag matakot lumaban kung kinakailangan
Kahit ikaw ay nag-iisa sa iyong pinagtatangol na adhikain.
dahil ang totoong laban ay hindi nasusukat kung sino ang nananalo
ngunit kung paano ka nakipaglaban ng malinis at patas haggang sa huli.
Maaring kailangan mo ng kasama upang makatayo ka sa harap ng mapangutyang madla
ngunit kailangan mo ng sariling tapang upang makatayong mag-isa.
Napakagandang aral. Alam kong ang kinabuu-an ng pilosopiyang ito ay tama sa salitang tumpak. Saganang akin, ito ang nanana-ig.
ReplyDeleteAng pagpapamalas ng tunay na saloobin sa tamang paraan at panahon
Ay biyaya na galing sa Diyos mula ng ikaw ay isilang.
Huwag matakot lumaban kung kinakailangan
Kahit ikaw ay nag-iisa sa iyong pinagtatangol na adhikain.
dahil ang totoong laban ay hindi nasusukat kung sino ang nananalo
ngunit kung paano ka nakipaglaban ng malinis at patas haggang sa huli.
Hindi biro ang makikibaka sa buhay lalo na't nasa malayo kang lugar at walang malalapitan na pwedeng mararaingan man lang. Pero kung totoong may pananalig ka sa Kanya, hindi ka Niya pababayaan kahit saang mundo ka man naroroon.
Tama ka na iyong mga sinasabi. Ang totoong matapang ay nasusubukan na panahon na ikaw na lang ang natira....at ang pinaka-huli na maari mung gawin ay tumingala sa itaas...
ReplyDeleteKaya SIYA nasa itaas ay para titingalain natin.
ReplyDeleteIkaw ang pinakapaborito kong Pinoy blogger. Malalaman mo ang tao na galing sa pamilyang may malawak na pantanaw sa buhay.
Sumige ka. Nagbibigay ka ng inspirasyon Spiritual sa mga mambabasa mo.