Ibigay ang iyong matamis na ngiti sa lahat, maging sa mga taong ngayon mo lang nakikita.
Ito'y payak ngunit may kaka-ibang kapangyarihan, dahil ito'y naglalarawan ng iyong kaluluwa.
Huwag mapagod gumawa ng mabuti sa lahat na panahon.
May nanunuod man o wala magsumikap gumawa ng tama.
Lahat na magagandang bagay ay galing sa Diyos, at walang maliit, ngunit maganda kang ginawa ang nasasayang.
Kapag ikaw ay nagbibigay, huwag kang umasa na gagantihan ka dahil maaring ikaw ay mabibigo lamang.
Kung nag-aalok ka ng magandang bagay at ikaw ay tinangihan, huwag kang malungkot, tiyak ay may iba pang mas higit na nangangailangan ang nakahandang tumanggap sa iyong alok.
Ang mahalaga sa tuwing ikaw ay nagbibigay ay nandoon ang galak at kapayapaan, dahil ito ang totoong gantimpala sa taong mapag-bigay.
Kung ikaw ay humingi at hindi napagbigyan, huwag kang magtatampo.
Bakit hindi mo subukan sila ang pagbigyan sa pamamagitan ng iyong wagas na pag-uunawa.
Huwag mong sasabihin na pagod ka na sa pag-gawa ng kabutihan, dahil ang mga mabubuti ay araw-araw nagkakaroon ng panibagong lakas tulad ng AGILA.
Ang turo nga naman ng Bibliya ano?
ReplyDeleteKung ang lahat ng mga linalang ay may ginintuang puso katulad mo, tiyak na walang giyera kahit saan. Maging sa loob ng bahay, sa labas ng bahay at sa labas ng bakuran lalo na sa mismong loob ng bansa.
subukan (mong) sila ang pagbigyan sa pamamagitan ng iyong wagas na pag-uunawa.
Kaya ang mga tao ay nagkakagulo dahil, ayaw ng isa ang UMUNAWA at ang isa naman GUSTO lagi na lang siya ang UUNAWAIN.Ngunit kung ang nasa puso natin ay mag-bigay dahil napagbigyan na tayo...tiyak maging maayos ang lahat....ngunit kaylan at paano kaya?
ReplyDelete