Monday, July 27, 2009

Tamis ng bunga ng katapatan


Isa sa pinakamagandang biyaya ng Diyos sa tao ay ang kakayahang makipagtalastasan. Ang bawat salita na lumalabas sa ating bibig ay makapangyarihan. Maari itong MAGPAPATAG o hindi kaya MAGPAHUNA. Maari itong MAGPAHILUM o kaya SUMUGAT. Maari itong MAGPATAWA o kaya MAGPA-IYAK. Maari itong MAGPATAYO o kaya MAGPABAGSAK.


Ano ba ang halaga sa iyo ang bawat salita na namumutawi sa iyong bibig? Napahalagahan mo ba ito tulad ng isang basong tubig habang naglalakad ka sa malawak at mainit na disyerto? Dapat lang, dahil ang bawat salita mo ay nagpakilala sa totoong ikaw, sa iyong pagkatao, sa iyong dignidad.


Maari nating sabihin na maliit lang ang ginagawa nating kasinungalingan at halos hindi ito na papansin, pero ang totoo, walang maliit o malaking pagsisinungaling, dahil ang dignidad mo bilang tao ay hindi maaring baguhin, ito ay tiyak, at hindi maaring palabasin na maganda ang isang larawan na unti-unting nabubulok dahil sa pagsisinungaling.


Totoo ang daigdig ng pagiging tapat at totoo ay sadyang napakalungkot, dahil iilan lang ang nangangarap at umasam na makakarating doon. Lahat nga daw ay sinungaling, at lahat naging biktima ng pagsisinungaling. Iyan ang kaisipan ng mga taong walang lakas baguhin ang kasing tanda na ng daigdig na kasal-anan, ang kasinungalingan.


Ngunit ang totoo ang buhay ay nagaalay ng mga magagandang pagkakataon upang tayong lahat maging tapat sa iba, sa ating sarili at higit sa lahat sa DIYOS. Ang pagiging tapat ay adhikaing banal at tuwid sa pangkat ang ating tagapaglikha ay tapat sa kanyang mga salita para sa atin. Ito ay nagbibigay ligaya at kapayapaan sa puso dahil ang taong tapat ay walang mga bagay na kinakatakutang mailantad dahil lahat nakikita sa salamin ng kanyang puso ang repliksyon ng katapatan. Ngunit ang mga sinungaling ay balisa at hindi mapakali. Tumatakbo wala naman humahabol. Nagtatago wala namang tumutugis, dahil sa kaibuturan ng kanilang puso nandoon nanahan ang halimaw ng kasinungalingan na unti-unti ng lumalamon sa kanyang pagkatao.


Iwaksi natin sa ating isipan ang maling adhikain na katanggap- tanggap ang pagsisinungaling paminsan-minsan. Mas maging mainam sa sisikapin nating maging tapat sa lahat na ating ginagawa sa lahat na panahon. Oo sa simula mahirap, ngunit ang mahalaga nagkakaroon ka ng busilak na adhikain gumawa ng tama. Kailangan mo munang maitanim sa iyong pusot isipan ang BINHI ng kahalagahan ng "BAWAT SALITA", hindi magtatagal ito ay unti-unting tutubo, yayabong, mamumulaklak at magbibigay bunga ng PAGBIBIGAY, PAG-ASA, KAPANATANGAN, PAG-AARUGA, PAGMAMALASAKIT at PAGMAMAHAL.


Isang araw matutuklasan mo na lang na ikaw ay naging tulad ng isang puno na matatag na nagbibigay bunga sa kanyang takdang panahon. Tinitingala dahil sa kanyang tatag, sinisilungan dahil sa lamig at lawak ng kanyang lilim at pinipitasan ng mga bunga upang ipamahagi. Ang tamis ng bunga ng katapatan.

No comments:

Post a Comment