Friday, July 17, 2009

Ako ang nagwagi...ako ang nasawi!


Mag-iisang buwan pa daw ako noon nung linisan ng aking mga magulang ang bayan ng Parang, Maguindanao Sa Cotabato upang takasan at iwasan ang digmaan na hindi naman daw nila alam ang totoong dahilan.


Ilang taon na ang nakalipas ngunit ganun parin ang kalagayan ng lupang sinasabi nilang "LUPA NG MGA PANGAKO. Talagang bang hanggang sa pangako na lang ang lahat para sa Mindanao? Kahit nasa malayong lugar na ako, ngunit sa tuwing naririnig at napapanuod ko sa mga balita ang nangyayari doon, parang gusto kung bumalik sa nakaraan at siyasatin kung ano talaga ang dahilan kung bakit ang away at digmaang ito ay hindi matapos-tapos.


Ilang sundalo at Muslim na kaya ang nasawi sa digmaang ito? Ilang buhay at pangarap na ba ang nawasak dahil sa away na ito. Sino ba talaga ang totoong biktima sa walang katuturang digmaang ito. Ang digmaan ay walang nananalo, LAHAT ay talunan, ngunit ang higit na kaawa-awa ay ang mga walang kalaban-laban na sibilyan na naiipit at nadadamay sa gitna ng imperno na gawa mismo ng kapwa niya Pilipino.


Nadudurog ang aking puso, habang nakikita ko ang isang ama na hatak-hatak niya ang isang kalabaw na may hila-hila ding kalisa at doon nakasakay ang kanyang tatlong anak ,at isa sa mga batang iyon ay yapus pa ang alagang manok at tuta. Sila ay isang simpling magsasaka, na nagpapaka hirap sana para mabuhay, ngunit napilitang lumikas maisalba lang ang kanilang mga buhay dahil alam nila na ang bala ay hindi namimili kung sino ang kanyang tatama-an.


Babae, lalaki, matanda man o bata LAHAT BIKTIMA sa away na ito. At sino ang tutulong sa kanila? Taga saan ang kakanlung sa mga biktimang ito? Mga pilipino sila diba? ang higit sa lahat mga tao sila na may karapatang manirahan sa mapayapang pamayaan.


Ano ba ang ginagawa ng gobernong ito? Sapat na bang ang pinami-migay nilang lata ng sardinas at isang kilong bigas para sa mga mamayang apektado? Iwan ko lang kung ano ang tama, ngunit isa lang ang nais kung mangyayari, sana naman hindi lang sa panandali-ang lunas ang ating iisipin, ngunit isang solusyon na pang-matagalan at makatao.


Alam ko ang dig-maan ay bahagi ng buhay ng tao, ngunit kung makipag-laban man tayo sana sa patas at malinis na paraan. Sana ang pakikibaka at pakipag-laban natin ay isang mithiin upang tayo ay mas lalong umunlad. Hindi ko kayang basahin kung ano ang nasa likod ng mga utak ng mga taong may pakana nito, ngunit isa lang ang lubos ko nauunawaan, lahat ay may karapang mabuhay...nawa'y gampanan natin ang ating mga tungkulin kristiyano ka man o Muslim, Sundalo ka man o sibilyan pulitiko ka man o isang ordinaryong blogger lamang.

2 comments:

  1. Ang dahilan? Sa totoo lang, hindi ko na tinapos ang pagbabasa ko nito. Babalikan ko dahing maghatinggabi na.

    Ako'y anak ng Meat Can at Canteen Cup...

    Ang kaguluhan sa Mindanao ay purely Political Strategy sa kapanahonan ni Deposed President alam mo na kung sino ang ginhipos.

    Anyway, lumaki ako sa Mindanao. Kristiyano at Muslim at tahimik na namuhay. Biglang pasok ang isang Tagalog at walang modo na CO at napaka-abusado duon sa mga Muslim.

    Saganang Lanao lang ha? Lalo na sa lugar na pinanggalingan ko. Nakigaya yong mga bagitong sundalo sa asal niya. Kalaunan gin-asal din sila. Ano pa?

    Mahabang estorya Dodong. Napakahabang estorya. Ewan ko lang kung ano naman ang sitwasyon sa Cotabato.

    Huwag ka nang aasa na may magagawa ang gobyerno. Dagan ka na lang kung gusto mong lalawig pa ang buhay mo.

    May natitira pa naman sa Cotabato. Ang Panginoon ang liligtas sa kanila hindi gobyerno.

    ReplyDelete
  2. Kahit may mga salita kang ginagamit na hindi ko masyadong naiintindihan, ngunit isang bagay ang lubos kung nauunawaan....Totoo ang sinasabi mo " Ang Panginoon ang liligtas sa kanila hindi ang gobneryo." Yan din ang sinasabi ng mga magulang ko...mas nakakakot daw pang may mga Sundolo, sundalo na sana pidala ng gobyerno para protiktahan ang mga sibilyan.

    ReplyDelete